Paghahanda ng Masustansyang Pagkain Para sa Diabetic na Walang Gana Kumain
“Kahit isang subo lang, ‘La.” “Ayoko, busog pa ako. Wala akong panlasa.”
Isa ito sa mga pinakamalaking hamon ng mga caregivers nina Lolo at Lola. Kapag ang isang senior na may diabetes ay nawalan ng gana kumain, nagiging mahirap balansehin ang kanilang gamutan. Kapag hindi sila kumain pero uminom ng gamot, maaaring bumagsak ang kanilang asukal (hypoglycemia). Ngunit kapag pinilit naman silang pakainin ng kung anu-ano lang, maaari namang tumaas nang husto ang kanilang asukal.
Paghahanda ng Masustansyang Pagkain Para sa Diabetic na Walang Gana Kumain Read More »










